SINO SI DR. RAMON VILLARAMA?

SINO SI DR. RAMON VILLARAMA? - Kamandag ni: Dannie Gravador
Kilalanin natin si Dr. Ramon Villarama…para sa mamamayan ng ika-anim na distrito ng Bulacan (Angat-Norzagaray-Sta.Maria)
 
Si DR. RAMON VILLARAMA ay:
 
-Chairman ng Colegio de Calumpit, Inc (Founded 1947)
-Anak ni Congressman Antonio Villarama na naglingkod ng dalawang termino at kauna-unahanang Health Secretary ng Pilipinas
-Ang kanyang Ama na si Dr. Jose Villarama ay naglingkod bilang Bise Gobernador at Gobernador ng Bulacan
-Pinsang-buo ni Ka Willie Villarama na naging Bise Gobernador at Congressman ng Ikalawang distrito ng Bulacan
-Naglingkod si Dr. Ramon bilang Senior Board Member ng Bulacan noong 1988
-Nahirang na Vice Governor ng Bulacan noong 1989 hanggang 1992
-Naging kandidatong Senador ni Speaker Ramon Mitra sa LDP noong 1992 kasama nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Senador Blas Ople, Tito Sotto, Edgardo Angara, Ernesto Herrera at Raul Roco.
-Nanilbihan sa sector ng edukasyon ng mahigit dalawang dekada
-Nagtapos ng BS Business Management sa Ateneo De Manila University (Second Honors)
-Nagkamit ng Masters Degree in Business Administration (MBA)
-Nahirang na Doctor of Philosophy Major in Business Management.
ALAM NIYO BA?
-Ang Bus na Villa Rey Transit na may biyaheng Angat-Divisoria at Angat-Caloocan noong araw ay pagmamay-ari nina Dr. Ramon Villarama
-Ang Villarama Highway sa Norzagaray at ang Paaralang Elementarya ng Marungko, Angat ay ipinangalan sa kanyang lolo na si Dr. Antonio Villarama.
-Ang Dr. Jose Reyes Memorial Hospital ay ipinangalan sa kanyang Amain na si Dr. Jose Reyes dahil sa malaking ambag nito sa Department of Health
-Nakamit niya ang pinakamataas na karangalan sa Pilipinas at naparangalan din sa ibang bansa ang proyektong kanyang ginawa sa Jaycees Chamber International na isang Civic Organization.
-Ang Colegio de Calumpit na kanyang pinapamahalaan ay nakapagbibigay ng mababa hanggang libreng matrikula para sa mga mag-aaral. Tanging 1,000 lamang sa 3,000 mag-aaral ang nagbabayad ng matrikula.
-At si SNOOKY SERNA na kanyang butihing maybahay ang makapagpapatunay kung gaano katapat magmahal ang isang Ramon Villarama at ganito rin ang kanyang gagawin sa buong Distrito 6 ng Bulacan.
SA MGA TAGA-ANGAT, NORZAGARAY, STA.MARIA, SAAN PA KAYO? KAY RAMON VILLARAMA NA TAYO!